KAPALIGIRAN NATIN SA HINAHARAP

                    
                                      KAPALIGIRAN NATIN SA HINAHARAP 
                ISINULAT NI:EMMANUEL LLOYD L. RESURRECCION 10-RAMOS

              Maraming isyung kinahaharap ang ating kalikasan sa kasalukuyan,
           Patuloy na nasisira ang ating kapaligiran sa kadahilanang mayroon ng 
          negatibong pag-babago hindi lang sa ating bansa kundi sa buong daigdig.
Sa ating kinahaharap ngayon ay kadalasan kulang ang mga supply ng gulay,bigas,at mga prutas dahil sa unti-unting pagkasira ng ating paligid.ngayon sa patuloy na pagkasira nito 
ay madalas na tayong nakakaranas ng mga bagyo at iba pa.Dahilan nito ang pagpuputol ng puno,pagtatapon ng basura kung saan,at pagsusunog ng plastic.Ang mga ikinabubuhay ng mga tao ay unti-unti na lang ang kanilang nakukuha dahil dito.kaya't nagtataas na lang sila ng bayad para meron silang mapagpakinabangan kahit kaunti lang ang kanilang binebenta.


Marapat ay dapat agad tayong kumilos at alagaan natin ng mabuti para hindi pa lumala ang sitwasyon na kinahaharap ng ating daigdig,kung magpatuloy pa ito ngayon hanggang sa susunod na henerasyon ay asahang may magandang bunga ang ating pinakamamahal na paligid na walang halos problema na makikita at muling magiging masagana ang lahat ng ating pinag-hirapan sa pagtulong natin na lumago ang ating kalikasan.



                                                                                                        -Sanaysay-
,

Comments

Popular posts from this blog

Waray Madadangatan