Luho
Ni: Kurt Daniel L. Valera

Sa isang liblib na lugar merong isang binatang nakatira. Siya si James anak ng mag-asawang Polidario, siya'y nag-iisang anak lamang kaya lahat ng kanyang hilingin ay ibinibigay ng kanyang mga magulang ng walang pag-aalinlangan. Siya'y isang batang walang utang na loob, matapobre, laki sa layaw, at mayabang. Habang siya'y naglalakad meron siyang nakabanggang isang matandang babae pero walang sabi-sabi ay agad na umalis si James at hindi na niya tinulungan ang matanda at agad itong umalis mabuti nalang at nakita ng isang babae ang lahat na nangyari at agad na tinulungan ang matanda, tinangka ng babae na habulin si James ngunit malayo na ito. Samantalang nakarating na si James sa bahay ng kanyang kaibigan, doon siya palaging pumupunta kapag wala siyang magawa sa kanilang bahay, dito niya ginugugol ang kanyang araw dahil sa wala namang siyang mga kapatid na makakalaro. Lumipas ang ilang taon, mas lalong naging mayabang at naging walang modo si James at napabarkada na rin siya sa mga binatang gumagamit ng ipinagbabawal na gamot. Isang araw pinapunta si James ng mga ito sa kanilang sinabing tagpuan, ngunit pagdating niya siya'y nagulat siya dahil gumagamit na ito ng ipinagbabawal na gamot, agad nilang niyaya si James upang gumamit rin at agad rin nilang napagamit si James. Lumipas ang ilang buwan maraming ipinagbago si James, nang mapansin ito ng kanyang mga magulang agad silang nabahala kung ano na ang nangyayari sa kanilang anak kung kaya't ginawa nila ang lahat ng kanilang magagawa upang malaman kung ano na ang nangyayari sa kanilang anak. Pagkalipas ng ilang araw merong isang babae na nagmagandang loob at sinabi sa kanila kung ano ang pinaggagagawa ng kanilang pinakamamahal na anak, na matagal na palang lulong sa ipinagbabawal na gamot ang kanilang anak kaya't agad nilang ipinatawag ang kanilang anak para malaman nila kung nagsasabi ng totoo ang babae at hindi naman ito itinanggi ng kanilang anak at sinisi pa nito ang kanyang mga magulang dahil sa kanilang kapabayaan. Sa puntong ito parang gumuho ang mundo ng mag-asawang polidario sa lahat ng pinagsasabi ni James kaya't pinarusahan si James ng kanyang mga magulang hindi na siya binibigyan ng pera at iniwan siya ng mga ito. Pumunta siya sa kanyang mga kaibigan ngunit hindi na sila nakipagkita muli sa kanya, nang malaman niyang kinaibigan lang siya ng mga ito dahil sa marami siyang pera humanap siya ng paraan upang maiaayos niya muli ang pakikitungo ng kanyang pamilya sa kanya. Lumipas ang ilang buwan at nagbago na si James humingi siya ng tawad sa kanyang mga magulang sa lahat ng masang kanyang ginawa at agad naman siyang pinatawad ng mga ito at simula noon palagi ng iniisip ni James na hindi lahat ng bagay dito sa mundo maaring mabili ng pera at sila'y muling namuhay ng masaya.



(Sanaysay)

Comments

Popular posts from this blog

Waray Madadangatan