Sanaysay:
   *Disiplina.
Dulot ng Online/Offline games
Isinulat ni: Jabez Kien S. Peliño
   
     Noong unang panahon karamihan sa mga kabataan ay mababait. Lahat ng maririnig mo sa kanilang mga sinabi ay po at upo,kaya hindi mo masasabing sila ay walang respeto. Sa unang tingin mo palang sa kanila ay may makikita kang ngiti sa kanilang labi. Ang mga bata noon ay mabait, masiyahin,masurin, at tapat.Tanging nilalaro nila ay tumbang preso,tagu-taguan,at iba pa.
   
     Noong una wala pang makabagong teknolohiya kaya kaya karamihan pa sa mga kabaatan ay may disiplina sa sarili at may respeto sa magulang. Dahil sa makabagong teknolohiya tulad ng computer at cellphone ay unti-unti nang nawawalan ng respeto ang mga kabataan dahil ang kanilang binibigyang pansin nalamang ay ang mga computer at cellphone. Karamihan sa mga kabataan ay umuuwi na ng dyes oras ng gabi at minsan nga ay hindi na ito nakakasabay sa pagkain kasama ang magulang. Unti-unti nang ina-agaw ng kasamaan ang kabutihan. Napapabayaan na nila ang kanilang sarili at ang kanilang pag-aaral. Ang pag-aaral ay isa sa pinaka mahalaga sa buhay dahil kung ikaw ay makapagtapos sa pag-aaral ay makakag-apply ka ng permanenteng trabaho,mapapasaya mupa ang iyong magulang at higit sa lahat ay makaka-ahon kayo sa kahirapan. lahat ng gusto mong mabili ay mabibili mo.
     
     Huwag natin pabayaan ang ating sarili na maakit sa mga bagay na makasisira sa ating kinabukasan dahil nasa huli ang pagsi-sisi. Ang lahat ay lilipas, kahit na gaano pa kagarang yang ka garang dahil sa mundong ito ay walang nananatili lahat ay mau hangganan at kahit gaano paman kahalaga yan sa buhay mo sa bandang huli ay iiwan parin tayo nyan,kaya dapat nalang natin ipaubaya sa Diyos ang lahat at ang lahat ay magiging kainam-inam. Sa atin magsisimula ang pagbabago, kung may tiawala ka sa sarili mo at sa Diyos na lumikha sayo, tiyak na makakamit mo ang iyong kagustuhan na magbago.

Comments

Popular posts from this blog

Waray Madadangatan