Makabagong Teknolohiya;Paano Naging Problema?
ni:Rose Lacbayo
Isang malaking isyu sa ating lipunan ang tinaguriang "Makabagong Teknolohiya". Paano nga ba ito naging problema?Kung susumahin ay ito na palagi ang naging kaakibat natin sa pang araw-araw. Sa ating araw-araw ring pamumuhay ay tinuturan tayong maging tamad. Dahil sa isang pindot na lamang ay nariyan na lahat. Malayo ito sa naging pamumuhay ng ating mga ninuno kung inyong mapapansin. Isang mahalagang bahagi ang teknolohiya sa ating pang araw-araw. Dahil dito ay mas napapadali ang ating pamumuhay ngunit di nating maiiwasan ang masasamang naidudulot nito sa atin.

Ang teknolohiya ang naging dahilan upang wala tayong magawa. Oo nga't hindi tayo napapagod,ngunit nakabubuti ba ito?Sa panahon nating ito na kung saan,nakadepende na sa teknolohiya ang ating mga gawain. Tayong mga kabataan ang lubos na apektado ng mga negatibong epekto ng teknolohiya. Ang iba ay napapabayaan na ang kanilang pag aaral at ang kanilang mga sarili dahil nawiwili sa paglalaro ng "computer games". Halos lahat ng kabataan ngayon, ay lulong na sa teknolohiya .

Rose Lacbayo
X-Ramos
Sanaysay
Comments
Post a Comment